P66M tobats inabandona sa ferry terminal
TACLOBAN CITY- Nadiskubre ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P66 milyon sa isang ferry terminal sa Barangay Kinabranan Zone II, Allen, Northern Samar nitong Huwebes ng gabi. Iniulat ng isang 30-anyos na port officer ang hinggil sa inabandonang bagahe sa Philippine Coast Guard. Nagsagawa ang Coast Guard K9 Field Operating Unit ng paneling at inspeksyon kung saan narekober ang siyam...
Pagtugis kay Quiboloy sa KOJC compound aabutin ng ilang araw – PNP
MANILA, Philippines- Posibleng abutin ng ilang araw ang pagtunton kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City, ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Biyernes. Binanggit ni Fajardo amg 30-ektaryang compound at ang “delaying tactics” ng mga miyembro. “It will take hours, if not days, to really search ang napakalaking compound na...
Rappler nakapuntos sa Court of Appeals
MANILA, Philippines- Iniutos ng Court of Appeals ang patuloy na operasyon ng news site na Rappler. Ito ay matapos baligtarin ng Court of Appeals Special 7th division ang 2018 na ruling ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ipasara ang naturang media company na ang co-founder ay si Nobel laureate Maria Ressa na kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Isinantabi at...
Xian, sumasawsaw sa Sandro issue, pinitik ang Kapuso!
Manila, Philippines - Umariba na naman ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza. May kinalaman ang pakikisawsaw ni Xian sa isyung kinasasangkutan ni Sandro, anak ni Niño Muhlach. Ang isyu ngang ito sangkot ang dalawang network directors ang mainit na pinagpipistahan sa social media. Having started as a blind item, ngayon nga'y pinangalanan na ang newbie bilang si Sandro. Binanggit din ang...
5 healthcare jobs na nakaambang maharap sa manpower crisis alamin
MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Higher Education (CHEd) sa panel ng Kamara na natukoy nito ang limang allied healthcare professions na mahaharap sa “supply and demand challenges” pagdating sa manpower. Sa isinagawang budget deliberations ng komisyon sa harap ng Committee on Appropriations, araw ng Huwebes, Agosto 8, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera na nakipagpulong ang ahensya sa...
Celine Pialago nagbitiw bilang LTFRB spox
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes ang resignation ng tagapagsalita nitong si Pircelyn "Celine" Pialago, epektibo sa pagtatapos ng taon. "Ms. Pialago has served the agency with dedication, and while we are saddened to see her depart, we respect her decision to move forward in her journey," pahayag ng LTFRB. "We extend our heartfelt...
IG account ni KC, na-compromise!
Manila, Philippines - Parami nang parami ang mga social media accounts ng ating mga artista ang nako-compromise o naha-hack. Of late, hindi rin nakaligtas ang Instagram account ng jewelry brand ni KC Concepcion. Kamakailan, nag-post ng advisory si KC na ang jewelry brand niyang Avec Moi "has been compromised." Tiniyak naman ng panganay na anak ni Sharon Cuneta na ginagawa na raw...
‘Killer’ ng mucipal administrator kalaboso!
MANILA, Philippines- Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang indibidwal na umano'y bumaril at nakapatay sa isang municipal administrator sa San Isidro, Leyte noong Mayo 2019. Sinabi ng NBI na naaresto ang lalaki na wanted sa pagpatay kay Municipal Administrator Levi Mabini sa Barangay Capinahan, San Isidro noong Mayo 8, 2019. Sa ulat, si Mabini ay kararating lamang sa bahay...
10 lugar sa VisMin positibo sa toxic red tide
MANILA, Philippines- Natukoy ang paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit sa 10 lugar sa Visayas at Mindanao, base sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Sa shellfish bulletin na may petsang Aug. 8, Huwebes, sinabi ng BFAR na natuklasan ang red tide toxins sa mga shellfish na nakolekta at sinuri mula sa...
Endangered stingless bees narekober ng NBI, DENR sa Laguna
MANILA, Philippines- Narekober ng National Bureau of Investigation at ng Department of Environment and Natural Resources ang 60 colonies ng endangered stingless bees sa isang joint operation sa Nagcarlan, Laguna. Base sa bureau, isang letter request mula sa DENR ang naging dahilan upang simulan ng NBI ang surveillance operation kung saan natukoy ang suspek sa Nagcarlan. Sinabi ng NBI na natuklasan...












