Katawang nadiskubre sa Tarlac, kumpirmadong sa beauty queen at Israeli fiancé – NBI
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago na ang mga katawang nadiskubre sa Capas, Tarlac ay ang nawawalang beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at Israeli fiancé nitong si Yitzhak Cohen. Matatandaan na nahukay ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawa sa bakanteng lote sa quarry site sa Capas. Ayon kay Santiago, isinailalim sa autopsy...
Ilang bahagi ng bansa uulanin sa ITCZ, easterlies
MANILA, Philippines - Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at thunderstorm ang Intertropical Convergence Zone at easterlies sa ilang bahagi ng bansa. Ayon sa PAGASA, ang Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ. Magdadala naman ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan...
Heart, nahulog sa hagdan!
Manila, Philippines - May kasabihan nga na wala 'yon sa pagkadapa kundi sa pagbangon. Literal ngang nadapa as in Heart Evangelista had a freak accident while descending the stairs. Ang siste, the fashion icon couldn't get enough of the pair of pants na sa sobrang kursunada niya'y isinuot niya ito. Kaso, mahaba ang laylayan nito: dahilan para mapatid niya ang kanyang sarili...
Bimby, nagkaroon ng ‘one day girlfriend’!
Los Angeles, USA - One day boyfriend. Ito ang peg ni Bimby na naka-date ang panganay ni Ogie Diaz sa Disneyland, USA. Si Erin Diaz--na bale inaanak ni Kris--ang ka-date ni Bimby. Siyempre, may basbas 'yon mula kay Kris. "Hindi ba ako madedemanda nito?" nangingiting tanong ng dalaga nang anak ni Ogie dating 17-year-old Bimby. Sa simula nga'y out of respect ay "ate" ang...
Karla, napikon, tinalakan ang post ng glossy mag!
Manila, Philippines - Tinalakan ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa Facebook ang isang glossy magazine. Nag-post kasi sa socmed ang FB page nito na binebenta ni Karla ang bahay na ipinatayo ng anak niya para sa pamilya nila. Matatandaan na kumalat ang balitang binebenta ni Karla ang bahay nila. Pagkatapos ay kung anu-ano’ng espekulasyon na ang ikinabit...
Gilas sinibak ng Brazil sa semis ng OQT
MANILA, Philippines - Nagtapos na ang naisin ng Gilas Pilipinas na makakuha ng isang puwesto sa Paris 2024 matapos yumuko sa Brazil, 71-60, sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia ngayong Sabado ng gabi. Nangamote ang Gilas sa third quarter at na-outscored sila , 24-6, ng No. 12 Brazil, para makuha ang 51-39 lead patungo sa huling...
Tulak arestado sa pagbebenta ng droga sa bisinidad ng AFP camp
MANILA, Philippines- Arestado ang isang lalaki na nagbebenta ng ilegal na droga sa bisinidad ng Visayas Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na banta sa mga kasundaluhan sa loob ng kampo ng militar. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang impormasyon sa aktibidad ng suspek na si Charlie Mejala Bauntad ay natanggap ng NBI- Central Visayas Regional Office...
2 nene na lumusong sa pond para kumuha ng kuhol bangkay na nang lumutang
MANILA, Philippines- Nalunod ang dalawang babae, isang 14-anyos at walong taong gulang, sa isang pond habang nangunguha ng kuhol sa Barangay Colo, Batac City, Ilocos Norte. Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumusong ang dalawang babae sa malalim na bahagi ng pond. "Talagang pumunta sila don para manguha ng mga kuhol. Nadulas yung dalawang bata hindi naman marunong lumangoy," pahayag ni LTCOL...
2 tiklo sa P2.6M puslit na yosi
MANILA, Philippines- Dalawang indibidwal na sangkot sa pagpuslit ng sigarilyo ang inaresto ng National Bureau of Investigation Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (NBI-BARMM). Sina Abdul Japar Trisyang at Hadji Mama ay naaresto sa entrapment operation sa Datu Odin Sinuat, Maguindanao del Norte dahil sa paglabag sa mga sumusunod: An Act Amending Certain Sections of the Tariff and Customs Code...
Mag-asawa patay sa tambang!
MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ang mag-asawa sa loob ng kanilang sasakyan sa Butuan City. Ayon sa mga pulis, dadalo sana ang mga biktima sa isang hearing sa barangay hall subalit nakansela ito. Habang pauwi ang dalawa, pinagbabaril sila ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo habang binabaybay ang Purok 5B sa Barangay Amparo. Isinugod ang mga biktima sa ospital subalit idineklarang...












