Sunog sumiklab sa residential area sa Manila, Parañaque
MANILA, Philippines - Sumiklab ang dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog sa residential areas sa Tondo, Maynila at Brgy. San Dionisio, Parañaque nitong Miyerkules, Abril 10. Sa ulat, sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay 135, Balut, Tondo, nitong umaga ng Miyerkules. Nagsimula ang sunog alas-8 ng umaga at umabot sa unang alarma pagsapit ng 8:24 ng umaga. Idineklarang fire under...
Mga barko ng China sa Scarborough Shoal, dumami – AFP
MANILA, Philippines - Dumami ang bilang ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels (CMMV) na namonitor sa Scarborough Shoal, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules, Abril 10. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, hanggang alas-5 ng hapon nitong Martes, mayroong apat na barko ng CCG at 20 CMMV...
DOH ‘di magdedeklara ng nationwide measles outbreak
MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagtaas sa kaso ng tigdas sa bansa, hindi nakakakita ng dahilan ang Department of Health para magdeklara ng nationwide outbreak para rito. Nitong Miyerkules, Abril 10, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na habang karamihan sa mga kaso ng tigdas ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), mataas naman ang vaccination...
OFW sugatan sa sunog sa Hong Kong
MANILA, Philippines - Sugatan ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa sunog na sumiklab sa isang residential building sa Kowloon District, Hong Kong, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules, Abril 10. Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nagtamo lamang ng minor injuries ang naturang Filipino at nabigyan na ng kaukulang tulong, batay sa direktiba ni Pangulong...
Denise, nag-enjoy kay Gold!
Manila, Philippines - Ang dapat sana ay isang wild night ay mauuwi sa isang gabi na puno ng misteryo at hindi pangkaraniwang pangyayari na hindi basta-basta maibabaon sa limot. Ito ang matutunghayan kina Gold Aceron at Denise Esteban sa pelikuang Stag. Habang papunta sa stag party ay mawawala si Gold at titirik ang sasakyan sa isang liblib na lugar. Isang magandang dalaga...
Pagbabalik sa lumang school calendar pabibilisan ni PBBM
MANILA, Philippines - MAGHAHANAP ang gobyerno ng paraan para ibalik sa lalong madaling panahon ang school calendar sa lumang iskedyul nito. Tugon ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang hingan ng komento sa panukala ng ilang grupo na ibalik ang lumang school calendar sa lalong madaling panahon. Ang school vacation ay mula Abril hanggang Mayo bunsod ng nakapapasong init. "Hangga’t maaari, gusto...
Walang PDL na naospital sa sakit sa tag-init – BJMP
MANILA, Philippines - Wala pang naoospital na persons deprived of liberty (PDLs) sa kabila ng mga iniulat na kaso ng summer disease at iba pang mga sakit sa mga piitan, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Miyerkules, Abril 10. Sa mensahe, sinabi ni BJMP spokesperson Chief Insp. Jayrex Bustinera na nasa kabuuang 2,620 summer diseases ang...
Bus driver patay, 9 sugatan sa aksidente sa Quezon
MANILA, Philippines - Patay ang drayber ng isang bus na byaheng Bicol habang sugatan ang 9 iba pa sa naganap na vehicular accident sa Maharlika Highway, Pagbilao, Quezon. Sa ulat ng Quezon police, minamaneho ni "Manuel" ang DLTB bus nng magkamali ito ng tantsa sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Ibabang Palsabangon, 10:30 ng gabi nitong Martes, Abril 9. Tinamaan...
Bong Go, patuloy sa pagtulong sa mga nagigipit
MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang patuloy na misyon na tulungan ang mga komunidad na nasa kagipitan matapos magsagawa ng relief activity ang kanyang Malasakit Team sa mga nasunugan sa Parang, Maguindanao del Norte. "Kahit anumang problema ang inyong hinaharap—sunog, lindol, baha, pagputok ng bulkan o kahit anong klaseng krisis—handa kaming tumulong at magserbisyo sa...
5 patay sa sunog sa gusali sa Hong Kong
HONG KONG - Lima ang nasawi habang 35 iba pa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa siksikang residential building sa Kowloon district sa Hong Kong nitong Miyerkules, Abril 10. Ayon sa RTHK, nagpasaklolo na ang mga residente ng 16-storey building kung saan ang sunog ay nagsimula sa isang gym doon. Nasa 150 katao ang ligtas na nailikas, habang 40 katao...












