Pagbuwag ng ‘mass bases’ nagpahina sa NPA – NTF-ELCAC
MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mabubuwag na ngayong taon ng mga tropa ng pamahalaan ang 11 mahinang New People's Army guerilla fronts. Ito ang pahayag ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr. nitong Linggo, Marso 31 na mahalaga ang pagbuo ng task force noong 2018 sa pagbawas at...
Babaeng tulak, itinumba sa Antipolo
MANILA, Philippines - Itinumba ng hindi pa tukoy na gunman ang hinihinalang babaeng tulak na kabilang sa barangay watch list, sa Antipolo City, Rizal nitong Linggo, Marso 31. Ayon sa Region 4A police, ang biktima ay kinilala sa alyas na "Rose" na naliligo bandang alas-3 ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cupang nang pumasok ang isang armadong...
Andrea, nagpatapyas ng braso; Kim, Face of Summer ni Belo!
Manila, Philippines - Sina Kim Chiu at Andrea Brillantes lang ang ilan sa napakaraming tumatangkilik sa Belo Medical Clinic ng tinaguriang doctor to the stars. Kay Dra. Vicky nagpaayos ng braso kamakailan si Andrea. Pagbibiro ng aktres, lahat daw yata ng blessings na dumarating sa kanya ay napunta sa braso. Hence, kailangang tapyasan ng taba ang kanyang mga braso. Kung tutuusin, 'yun lang...
Pagbuo ng maritime council, ‘redundant and insignificant’ – Pamalakaya
MANILA, Philippines - Sinabi ng grupong Pamalakaya na ang pagbuo ng maritime council para tugunan ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ay “redundant and insignificant” sa mga mangingisdang Pinoy. Sa pahayag, kinwestyon ni Fernando Hicap, national chairperson ng Pamalakaya, ang pagbuo ng maritime council sa kabila na mayroon nang umiiral na inter-agency na National Task Force for the West Philippine...
7 kabataan sugatan sa pamamaril sa Indianapolis
UNITED STATES - Pitong kabataan edad 12 hanggang 17 ang sugatan sa nangyaring pamamaril nitong Sabado ng gabi, Marso 30 sa downtown Indianapolis. Ayon kay Deputy chief of operations for the Indianapolis Metropolitan Police, Tanya Terry, ang mga biktima ay nadala na sa pinakamalapit na ospital at nasa stable na kondisyon. Sinabi ni Terry na bandang 11:36 ng gabi, nakarinig ang...
PBBM sa liderato ng PNP: Lahat ng hamon at banta sa bansa, tutukan
MANILA, Philippines - HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na manatiling bigilante sa gitna ng lahat ng mga hamon at oportunidad habang ang bansa ay sumusulong para sa isang mapayapa at ligtas na “Bagong Pilipinas.” “Let us remain vigilant in the face of challenges and opportunities, as we strive to build a Bagong Pilipinas...
#WalangTubig sa Imus, Cavite at Caloocan City mula Abril 1 ‘gang Abril 4
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Maynilad Water Services Inc. na mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan City at Imus, Cavite. Sa hiwalay na anunsyo, sinabi ng Maynilad na nawalan ng tubig sa ilang barangay sa Imus, Cavite mula alas-5 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi nitong Lunes, Abril 1 sa mga sumusunod na lugar: - Anabu I-D - Anabu I-F -...
Presyo ng LPG bumaba
MANILA, Philippines - Bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan ng Abril. Sa abiso, sinabi ng Petron Corp. na magkakaroon ng bawas sa presyo ng LPG ng P1.00 kada kilo epektibo alas-12 ng tanghali ngayong Lunes, Abril 1, 2024. “This reflects the international contract price of LPG for the month of April,” saad sa abiso. Wala pang anunsyo ang...
Hello. Love. Goodbye 2, tuloy na!
Manila, Philippines - Good news para sa mga expectant fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards: there's no more stopping the filming of the second part of their Hello. Love. Goodbye! For the record, ang HLG ang second highest-grossing Filipino movie of all time. Nasilat lang ito ng Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera (now on Netflix) which reportedly...
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan bukas!
MANILA, Philippines - Tataas sa ikatlong sunod na linggo ang presyo sa kada litro ng gasolina bukas, Abril 2. Sa kabila nito, magkakaroon naman ng roll back sa presyo ng diesel at kerosene. Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tataas ang presyo sa kada litro ng gasolina nila ng P0.45, habang bababa...












