P4.3M marijuana nasamsam sa Kalinga

0

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga awtoridad ang marijuana na nagkakahalaga ng P4.3 milyon mula sa tatlong hinihinalang tulak sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga nitong Sabado, Marso 2. Kinilala ni Police Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, ang mga suspek na sina Christian Lester Eliseo Mariano, 31, drayber ng Toyota Rush na may plakang NHJ-7808, at...

Overstaying na Indian national nahuli ng BI

0

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang isang Indian national na overstaying na sa bansa, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Marso 2. Ayon sa BI, ang Indian national ay kinilalang si Shah Gaurav Mukesh, 44 anyos, na naaresto sa Bacoor, Cavite noong Huwebes, Pebrero 29. Hindi na niya pinalawig pa ang Philippine visa mula noong 2019. Dinala na...

9 laglag sa ni-raid na drug den sa Cebu

0

MANILA, Philippines - Siyam katao ang arestado sa dalawang drug den na nilusob sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement-Central Visayas (PDEA-7) nitong Biyernes, Marso 1. Sa siyam na drug personalities na inaresto, apat ang mga drug user na sumuko at sumailalim sa Barangay Community-Based Drug Rehabilitation Program (BCBDRP). Bandang ala-1 ng hapon, nilusob ng PDEA-7 agents...

PNP informant tumanggap ng P420K reward sa pagkakahuli ng most wanted person ng Bicol

0

MANILA, Philippines - Nakatanggap ng P420,000 cash reward mula sa Philippine National Police (PNP) ang informant na nagbigay ng impormasyon para maaresto ang most wanted person ng Bicol Region. Personal na iniabot ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr ang reward sa informant nitong Biyernes, Marso 1. Dahil sa impormasyong ibinigay niya ay naaresto si Gilbert Concepcion sa Barangay San Martin...

2 barko ng China nasa Benham Rise – Navy

0

MANILA, Philippines - Namataan ang dalawang barko ng China na umaaligid sa Benham Rise, ayon sa Philippine Navy (PN) nitong Linggo, Marso 3. Sa panayam, sinabi ni PN spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na maglulunsad ang pwersa ng PN ng air surveillance flight sa resource-rich Philippine Rise. “Maga-attempt sila ulit ngayon. Bagamat kahapon ay na-monitor naman na ito’y...

Mga magsasakang apektado ng El Niño tatanggap ng credit assistance, insurance

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na magbibigay ang pamahalaan ng credit at insurance assistance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Nino phenomenon. Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, nasa P500 milyong credit assistance ang ipagkakaloob sa mga magsasaka at mangingisda para makarekober sa epekto ng tagtuyot. Nasa P1.8 billion ng insurance...

Senegalese national na paalis ng bansa, hinarang sa pekeng visa

0

MANILA, Philippines - Naharang ng immigration personnel ang isang Senegalese national sa pag-alis ng bansa patungong Europe matapos na mahuling may pekeng Schengen visa. Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na ang 23-anyos na si Binetou Dieng ay hinarang sa Ninoy Aquino International Airport noong Pebrero 26 matapos niyang subukan na sumakay sa flight patungong Taipei para sa kanyang destinasyong...

Pagproseso sa end-of-service benefits inilipat na ng DFA sa DMW

0

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na pormal nang inilipat sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagproseso sa kanilang end-of-service benefits (ESB). Para sa mga OFW sa Middle East na katatapos lamang ng kanilang employment, o mga benepisyaryo o next-of-kin ng pumanaw na OFW, at bagong aplikasyon para sa...

Environmental groups sa Baguio LGU: Magpasa ng batas vs beauty products na may mercury

0

MANILA, Philippines - Hinimok ng environmental groups ang lokal na pamahalaan ng Baguio na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa mercury-laced cosmetic products sa lungsod. Iginiit ng EcoWaste Coalition at Zero Waste Baguio na dapat nang pigilan ng lokal na pamahalaan ang “trade of hazardous cosmetics” sa pamamagitan ng ordinansa na magpoprotekta sa Baguio City at mga residente nito mula...

2 Filipino sa Japan muling inaresto sa murder

0

MANILA, Philippines - Muling inaresto nitong Sabado, Marso 2 ang dalawang Filipino na kamakailan ay na-detain sa Japan dahil sa pag-abandona sa katawan ng bangkay ng mag-asawa. Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, sabay-sabing ang dalawang Pinoy ay iniimbestigahan na sa murder. "We will see in the next few weeks what will be the final...