Lalaking nakaupo lang sa gilid ng kalsada, todas sa pamamaril!

0

MAMBALING, Cebu- Bumulwak ang dugo sa kalsada matapos barilin sa leeg ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakaupo sa gilid ng kalsada noong Miyerkules sa bayang ito. Kinilala ang biktimang si Jaggy Dave Sembrante, nasa hustong gulang at residente ng Puntod, Brgy. Mambaling, Cebu. Batay sa report ng Mambaling Police Station, bandang alas-9:50 ng umaga...

Mga guro na nagsilbi sa BSKE walang OT pay

0

MANILA, Philippines- Hindi makakukuha ng overtime pay ang mga guro na nagsilbi noong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes. Inihayag ni Comelec chair George Garcia na ang mga empleyado lamang ng komisyon ang may karapatang makatanggap ng kompensasyon para sa overtime na trabaho. “In as much as we would like to give, there...

WPS tatalakayin nina PBBM, Japan PM Kishida

0

MANILA, Philippines- Nakatakdang pag-usapan sa Biyernes, Oktubre 3, nina Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio ang usapin ukol sa  West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan. Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado, Nobyembre  4, 2023. Sa isang kalatas, sinabi ng Department...

Resulta ng kaso ng TVJ vs Tape at GMA, malalaman na!

0

Manila, Philippines - Hopefully, bago mag-Pasko ay ibababa na ng korte ang resulta ng kasong copyright infringement under RA 8293 na isinampa nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon kasama si Jeny Ferre laban sa Tape, Inc. at GMA. Ang pinakahuling nag-present ng witness ay ang GMA. After which ay magsusumite na sila ng kani-kanilang memorandum. Bibilang ng 60 araw...

Cargo vessel lumiyab!

0

MANILA, Philippines Kasalukuyang nasusunog ang isang cargo vessel na nakadaong sa Castilla Anchorage Area sa Barangay Poblacion, Castilla Sorsogon. Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-11 ng umaga nang masunog ang MV Ken, isang cargo vessel na pag-aari ng Pherwin Shipping Corporation na matatagpuan sa Milaor, Camarines Sur. Agad na nakipag-ugnayan ang PCG sa Philippine Navy (PN) at...

Binata kalaboso sa pagdadala ng patalim sa sementeryo

0

MANILA, Philippines- Isang 23-anyos na binata ang nakitaan ng patalim sa kasagsagan ng paggunita ng "Undas" nitong Nobyembre 1 ng umaga sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila. Nagawa pang manlaban ng lalaki na kinilalang si Antonio De Luna, 23-anyos, vendor ng 24th Street Barangay 372, Manila North Cemetery, Sta. Cruz, Manila. Batay sa ulat na isinumit eni Police Major...

Bintang ng Tsina vs Pinas, walang legal na basehan – DFA

0

MANILA, Philippines- Walang legal na basehan ang bintang ng China na nanghimasok ang Philippine Navy warship BRP Conrado Yap (PS39) sa katubigan ng Scarborough Shoal nitong October 30, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes. Sinabi ng DFA na layon lamang ng pahayag ng Southern Theater Command of the Chinese People's Liberation Army na paigtingin ang tensyon sa...

PCG sa sea travelers: Kasamahang indibidwal na may espesyal na pangangailanan, bantayan sa biyahe

0

MANILA, Philippines- Nagpaalala ang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa sea travelers na laging bantayan ang mga kasamang bata o mga may kapansanan na sakay ng barko. Sa abiso ni Captain Jerome L Jeciel, commander ng Coast Guard Station Batangas, nitong Miyerkules ng gabi, binigyan-diin niya ang kahalagahan ng pagbabantay kapag naglalakbay partikular na pag may kasamang indibidwal na...

PNP: All Saints’ Day mapayapa

0

MANILA, Philippines- Walang naitalang malaking krimen ang Philippine National Police (PNP) sa mga sementeryo at mga pampublikong lugar sa paggunita sa All Saints’ Day. Iniulat nito ngayong Huwebes na nakumpiska lamang ng mga awtoridad ang ilang ipinagbabawal na bagay. Na-monitor din ng PNP ang halos tatlong milyong bumisita sa mga sementeryo nitong Undas. Patuloy ang pagbabantay nito sa seguridad dahil inaasahang tataas...

143 pang OFWs galing Israel uuwi sa Pinas

0

MANILA, Philippines- Mahigit 100 pang Pilipino galing Israel ang inaasahang darating sa Pilipinas sa mga susunod na linggo upang takasan ang umiigting na giyera sa pagitan ng mga miyembro ng Israel Defense Forces at ng Palestinian militant Islamic group Hamas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules. Sinabi ni Foreign Undersecretary Eduardo de Vega sa isang panayam na...