POGO protectors mula sa ‘middle to higher ups’ sa gobyerno – solon

0

MANILA, Philippines- Nanggagaling ang government officials na pumoprotekta umano sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa “middle to higher ups,” base kay Senator Sherwin "Win" Gatchalian. Inihayag ito ng senador kasunod ng pagsasagawa nila ni Senator Risa Hontiveros ng physical inspection ng Zun Yuan Technologies compound sa Bamban, Tarlac, na sinalakay noong Marso ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Isa sa...

Bahagi ng SCTEX sa Pampanga isasara sa April 28-30

0

MANILA, Philippines- Isasara ang ilang parte ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa barangay Mabiga, Mabalacat, Pampanga mula April 28 hanggang 30, ayon sa North Luzon Expressway Corporation (NLEX). Base sa NLEX Corp., hindi madaraanan ang ilang bahagi ng expressway dahil sa konstruksyon ng Malolos – Clark Railway Project. Narito ang closed portions ng SCTEX:Patungong Subic o Tarlac (Lane 1, 215-meter portion) April 28,...

7 mountaineer pinaghahanap ilegal na pag-akyat sa Bulkang Mayon

0

LEGAZPI CITY, Albay- Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng pamahalaang panlalawigan ang isang grupo ng mga mountaineer na ilegal umanong umakyat ng bundok makaraang lumabas sa social media ang kanilang pag-akyat sa Bulkang Mayon noong Miyerkules. Ayon kay Dorothy Colle, pinuno ng Albay Provincial Tourism, Culture, and Arts Office, lumabag sa ordinansa ang grupo na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-akyat...

2 tumakas na preso todas sa tambang

0

TACLOBAN CITY- Patay ang dalawang presong tumakas mula sa Southern Leyte Provincial Jail (SLPJ) habang isa ang sugatan sa ambush nitong Miyerkules. Naganap ang insidente wala pang apat na oras matapos nilang tumakas sa pasilidad sa Maasin City, Southern Leyte. Sakay sina Melchor Maceda, 40, Paul John Seguerra at Claudio Montilla, 33, ng motorsiklo nang atakihin sila ng hindi natukoy na...

Sabwatan ng doctor, drug firms sa pagrereseta kakalkalin ng Senado

0

MANILA, Philippines- Nakatakdang kalkalin ng Senado ang hinihinalang sabwatan ng doktor at pharmaceutical companies sa pagbibigay ng reseta na branded medicine alinsunod sa resolusyon na ikinasa sa Senado. Sa paghahain ng Senate Resolution (SR) No. 1011, sinabi ni Senador JV Ejercito na nilalabag ang ilang batas sa sinasabing sabwatan kabilang ang Republic Act (RA) No. 9502 or the Cheaper Medicines...

Daniel, na-“demote” ang ranggo?

0

Manila, Philippines - We have yet to confirm kung totoo ngang may nilulutong action series ang ABS-CBN na pagsasamahan ng apat na malalaking aktor. Balitang the TV network is said to assemble lan Veneracion, Daniel Padilla, Enrique Gil and Richard Gutierrez to topbill the biggest, most action-packed series ever on TV. Hindi pa man ay marami nang excited kung matutuloy ang...

CHED, Cagayan execs tatalupan na sa ‘degree for sale’

0

MANILA, Philippines- Pormal nang inihain ni Gatchalian ang resolusyon upang siyasatin ng Senado ang kinauukulang opisyal ng Commission on Higher Education (CHED), local government units at pribadong pamantasan sa Cagayan hinggil sa “degree for sale na ibinebenta sa halagang P2 milyon kada Chinese students. Sa paghahain ng Proposed Senate Resolution No. 1007, nais suriin ni Gatchalian ang katotohanan hinggil sa...

Cellphones, gadgets ipagbabawal sa loob ng klase

0

MANILA, Philippines- Naghain ng isang panukalang batas si Senador Win Gatchalian nitong Huwebes upang mahigpit na ipagbawal ang pagdadala ng cellphones at anumang uri ng gadgets sa loob ng klase ng lahat ng estudyante sa K-12. Partikular na tinutukoy ni Gatchalian ang basic education mula sa kindergarten, elementarya, sekondarya at senior highschool sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan. Sinabi ni...

Pulis na nanuntok ng kasamahan, kinasuhan

0

CEBU CITY- Nanganganib na masibak sa serbisyo ang isang rookie cop matapos suntukin ang kasamahan nito na umayaw sa inuman noong Miyerkules sa lungsod na ito. Dinakip ng mga tauhan ng Abellana Police Station, Special Weapons and Tactics team, at City Mobile Force Company ang suspek na si Police Patrolman Louie Sequito, 29-anyos, tubong-Iloilo City matapos ireklamo ni Police Patrolman...